HUNTERS (LYRICS)
University of Horror Stories OST by Rhenzhen Antipatiko and Three1zero
#UHSThemeSong
Verse 1: (Three1zero)
Mga guni-guning nararamdaman
Sa aming isipan na tila ba dumadaan
Na parang nakikiusap
Sa tinig ng hangin mga `di maipaliwanag
na kaba...handa ka ba?
Sumama sa lagim at tuklasin ang bawat hiwaga
Handa ka bang harapin ang bawat takot
Sa muling pagbubukas ng mata
Chorus: (Three1zero)
Alamin ang misteryong bumabalot sa mundo
At tahakin ang katotohanang nakapaloob sa mga kuwento
Na tanging sindak at takot ang madarama
Sa bawat pahinang kababalaghan ang tanging makikita
Verse 2: (Rhenzhen Antipatiko)
Handa ka bang matuklasan
Ang mga kuwento na puno ng samu't saring kababalaghan
At mga kaganapan na parang ang hirap paniwalaan
Mula sa mundong binabalot ng kahiwagaan
Sa bawat misteryong nais na matuklasan nila
Mula sa pagkakabukas ng aking ikatlong mata
Ay sinubaybayan ang aming mga nais na makita
At mapatunayan ang sagot sa tanong ng mga dila
Engkantado't engkantada at sumpa sa pagkabarang
Kulam, at espiritong ligaw, multo na humaharang
Sa isipang malikot ano nga ba'ng katotohanan
O imahinasyon lang ang mga dapat kong malaman
Hanggang sa madugtungan maging opinyon ng iba
Na base sa mga nangyari at naramdaman nila
Ay nabuo ang desisyong lakas-loob na galugarin
Ang mga kakaibang nilalang na nandito sa mundo natin
Chorus: (Three1zero)
Alamin ang misteryong bumabalot sa mundo
At tahakin ang katotohanang nakapaloob sa mga kuwento
Na tanging sindak at takot ang madarama
Sa bawat pahinang kababalaghan ang tanging makikita
Verse 3: (Rhenzhen Antipatiko)
Sa tahimik na gabi ay parang may bumabagabag
Sa isipan at ilalim ng buwan na maliwanag
Tinatago ng dilim ang aking nais maaninag
Habang takot ay ramdam ko na sa `kin ay bumibihag
Mga lamang-lupang naging usap-usapan sa mga baryo
Mga aswang na ibinabalita sa mga dyaryo
Mga taga ibang planeta na tinutuklasan ng tao
Na nag iwan ng ebidensya na hindi maitatago
Iba't ibang uri ng aksidenteng malala
Na kadalasan ay espiritong ligaw ang may gawa
Mga kaluluwang `di mapalagay
Ay sumasapi sa mahinang katawan na `di nila pagmamay-ari
Handa ka bang pasukin ang mundo nakakapangilabot
Na mula sa `ming artikulong magpupuno ng takot at kaba
Kaya bawal ang loob na mahihina
Sa `ming bawat pahinang sindak ang tanging makikita
Song Information
Title: Hunters
Singers: Rhenzhen Antipatiko and Three1zero
Genre: Rap
Year: 2017
Audio Release Date: August 31, 2017
Video Lyrics Release Date: September 2, 2017
Group Release Date: September 30, 2017
Cover Art Made by: Zhen Creation
Video Lyrics Made by: Daryl John Spears
Mixdown and Mastering by: Three1zero
Produced by: Astigin Records
Record Label: Astigin Records
Link
Audio: https://www.youtube.com/watch?v=OzCROIOtVKg
Video Lyrics: https://www.youtube.com/watch?v=iZXbj_XfZsg
Soundcloud: https://soundcloud.com/user-88297890/hunters
Astigin Records Official: https://www.facebook.com/Astigin-Records-Official-1961496807462837/
Property of University of Horror Stories and Astigin Records
No part of this soundtrack can be copied or re-produced without permission to the record label and to the group.