Linggo, Enero 15, 2017

Hidden Meaning of the UHS Flag

The Official Flag of UHS

Ito ang idineklarang opisyal na flag o watawat ng University of Horror Stories. Halina't alamin ang mga nakatagong mensahe sa bawat simbolo ng watawat na ito.

1. Ang trianggulo na may mata sa gitna at ang isang itim na bilog o mala-earth shape na nakalagay sa gitna ang sumisimbulo ng dalawang most talked about topic sa history ng UHS. Iyon ay ang Illuminati at ang Deep Web. Dahil kung inyong napapansin, ang dalawang iyan ang pinaka-pinag-usapang topic sa group simula nang mabuo ito.

Deep Web

Illuminati


2. Ang tatlong bituin na nasa itaas ay sumisimbulo ng tatlong logo ng UHS. Ang unang logo ay ang logo na ginamit nila noong nag-uumpisa pa lang ang group. Ang pangalawang logo ay ang ginamit nila sa first t-shirt printing ng UHS. At ang pangatlong logo ay ang official logo na ginagamit ngayon sa group.

The First Logo

The Second Logo

The Third and Official Logo


3. Ang isang bituin na nasa ilalim ay ang sumisimbulo ng 'lost logo' or 'unreleased logo' ng UHS. Dahil sa katunayan, may ginawang panibagong logo ang creator noong March 2016, iyon dapat ang magiging third official logo ng UHS ngunit hindi ito ini-release sa public dahil hindi naging maganda ang kinalabasan ng logo. Naging masyadong 'demonic' ito. Sa halip, nagpagawa ang creator ng logo sa Jackson Family at iyon ang ginawa nilang third official logo ng UHS.

Ito ang unreleased logo ng UHS:

The Unreleased Logo of UHS


4. Ang mga simbolo na nakasulat sa itaas at ibaba ng watawat ay ang sinasabing writing system of UHS na tinawag na Hauntersian Script. Kung ang wikang Tagalog ay may Baybayin Script, at kung ang wikang Kapampangan ay may Kulitan Script, ang UHS ay mayroon na ring sarili nilang writing system at ito ang Hauntersian Script.

Hauntersian Script Sample (The Writing System of UHS)


5. Kung inyong napapansin, black and white ang kulay ng watawat. Iyon ang napiling kulay dahil sumisimbolo iyon ng 'dark' na s'yang tema ng nasabing grupo. Kaya rin naging black and white ang kulay ng watawat ay dahil nirerepresenta nito ang mga anonymous na naging miyembro sa UHS. Noon pa man ay may impluwensya na ring naidulot ang mga anonymous sa UHS. Ang ilan sa mga naging writer dati sa UHS ay mga anonymous. Ang mga anonymous din ang unang nag-introduce sa UHS ng topic tungkol sa Deep Web, Illuminati, Tomino's Hell, Meaning of Dreams, at iba pa. Kaya ang black and white na kulay ng watawat ng UHS ay ang kulay ng mga anonymous. Nangangahulugang ang UHS ay may mga anonymous members din.


6. And last but not the least, kung titingnan ninyong mabuti ang apat na bituin sa watawat, may mapapansin kayong isang 'shape'. Anong shape iyon? Kayo na ang bahalang manghula!


...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento