HUNTERS (LYRICS)
University of Horror Stories OST by Rhenzhen Antipatiko and Three1zero
#UHSThemeSong
Verse 1: (Three1zero)
Mga guni-guning nararamdaman
Sa aming isipan na tila ba dumadaan
Na parang nakikiusap
Sa tinig ng hangin mga `di maipaliwanag
na kaba...handa ka ba?
Sumama sa lagim at tuklasin ang bawat hiwaga
Handa ka bang harapin ang bawat takot
Sa muling pagbubukas ng mata
Chorus: (Three1zero)
Alamin ang misteryong bumabalot sa mundo
At tahakin ang katotohanang nakapaloob sa mga kuwento
Na tanging sindak at takot ang madarama
Sa bawat pahinang kababalaghan ang tanging makikita
Verse 2: (Rhenzhen Antipatiko)
Handa ka bang matuklasan
Ang mga kuwento na puno ng samu't saring kababalaghan
At mga kaganapan na parang ang hirap paniwalaan
Mula sa mundong binabalot ng kahiwagaan
Sa bawat misteryong nais na matuklasan nila
Mula sa pagkakabukas ng aking ikatlong mata
Ay sinubaybayan ang aming mga nais na makita
At mapatunayan ang sagot sa tanong ng mga dila
Engkantado't engkantada at sumpa sa pagkabarang
Kulam, at espiritong ligaw, multo na humaharang
Sa isipang malikot ano nga ba'ng katotohanan
O imahinasyon lang ang mga dapat kong malaman
Hanggang sa madugtungan maging opinyon ng iba
Na base sa mga nangyari at naramdaman nila
Ay nabuo ang desisyong lakas-loob na galugarin
Ang mga kakaibang nilalang na nandito sa mundo natin
Chorus: (Three1zero)
Alamin ang misteryong bumabalot sa mundo
At tahakin ang katotohanang nakapaloob sa mga kuwento
Na tanging sindak at takot ang madarama
Sa bawat pahinang kababalaghan ang tanging makikita
Verse 3: (Rhenzhen Antipatiko)
Sa tahimik na gabi ay parang may bumabagabag
Sa isipan at ilalim ng buwan na maliwanag
Tinatago ng dilim ang aking nais maaninag
Habang takot ay ramdam ko na sa `kin ay bumibihag
Mga lamang-lupang naging usap-usapan sa mga baryo
Mga aswang na ibinabalita sa mga dyaryo
Mga taga ibang planeta na tinutuklasan ng tao
Na nag iwan ng ebidensya na hindi maitatago
Iba't ibang uri ng aksidenteng malala
Na kadalasan ay espiritong ligaw ang may gawa
Mga kaluluwang `di mapalagay
Ay sumasapi sa mahinang katawan na `di nila pagmamay-ari
Handa ka bang pasukin ang mundo nakakapangilabot
Na mula sa `ming artikulong magpupuno ng takot at kaba
Kaya bawal ang loob na mahihina
Sa `ming bawat pahinang sindak ang tanging makikita
Song Information
Title: Hunters
Singers: Rhenzhen Antipatiko and Three1zero
Genre: Rap
Year: 2017
Audio Release Date: August 31, 2017
Video Lyrics Release Date: September 2, 2017
Group Release Date: September 30, 2017
Cover Art Made by: Zhen Creation
Video Lyrics Made by: Daryl John Spears
Mixdown and Mastering by: Three1zero
Produced by: Astigin Records
Record Label: Astigin Records
Link
Audio: https://www.youtube.com/watch?v=OzCROIOtVKg
Video Lyrics: https://www.youtube.com/watch?v=iZXbj_XfZsg
Soundcloud: https://soundcloud.com/user-88297890/hunters
Astigin Records Official: https://www.facebook.com/Astigin-Records-Official-1961496807462837/
Property of University of Horror Stories and Astigin Records
No part of this soundtrack can be copied or re-produced without permission to the record label and to the group.
UHS Lost Files
Linggo, Enero 7, 2018
Linggo, Enero 15, 2017
Hidden Meaning of the UHS Flag
![]() |
| The Official Flag of UHS |
Ito ang idineklarang opisyal na flag o watawat ng University of Horror Stories. Halina't alamin ang mga nakatagong mensahe sa bawat simbolo ng watawat na ito.
1. Ang trianggulo na may mata sa gitna at ang isang itim na bilog o mala-earth shape na nakalagay sa gitna ang sumisimbulo ng dalawang most talked about topic sa history ng UHS. Iyon ay ang Illuminati at ang Deep Web. Dahil kung inyong napapansin, ang dalawang iyan ang pinaka-pinag-usapang topic sa group simula nang mabuo ito.
![]() |
| Deep Web |
![]() |
| Illuminati |
2. Ang tatlong bituin na nasa itaas ay sumisimbulo ng tatlong logo ng UHS. Ang unang logo ay ang logo na ginamit nila noong nag-uumpisa pa lang ang group. Ang pangalawang logo ay ang ginamit nila sa first t-shirt printing ng UHS. At ang pangatlong logo ay ang official logo na ginagamit ngayon sa group.
![]() |
| The First Logo |
![]() |
| The Second Logo |
![]() |
| The Third and Official Logo |
3. Ang isang bituin na nasa ilalim ay ang sumisimbulo ng 'lost logo' or 'unreleased logo' ng UHS. Dahil sa katunayan, may ginawang panibagong logo ang creator noong March 2016, iyon dapat ang magiging third official logo ng UHS ngunit hindi ito ini-release sa public dahil hindi naging maganda ang kinalabasan ng logo. Naging masyadong 'demonic' ito. Sa halip, nagpagawa ang creator ng logo sa Jackson Family at iyon ang ginawa nilang third official logo ng UHS.
Ito ang unreleased logo ng UHS:
![]() |
| The Unreleased Logo of UHS |
4. Ang mga simbolo na nakasulat sa itaas at ibaba ng watawat ay ang sinasabing writing system of UHS na tinawag na Hauntersian Script. Kung ang wikang Tagalog ay may Baybayin Script, at kung ang wikang Kapampangan ay may Kulitan Script, ang UHS ay mayroon na ring sarili nilang writing system at ito ang Hauntersian Script.
![]() |
| Hauntersian Script Sample (The Writing System of UHS) |
5. Kung inyong napapansin, black and white ang kulay ng watawat. Iyon ang napiling kulay dahil sumisimbolo iyon ng 'dark' na s'yang tema ng nasabing grupo. Kaya rin naging black and white ang kulay ng watawat ay dahil nirerepresenta nito ang mga anonymous na naging miyembro sa UHS. Noon pa man ay may impluwensya na ring naidulot ang mga anonymous sa UHS. Ang ilan sa mga naging writer dati sa UHS ay mga anonymous. Ang mga anonymous din ang unang nag-introduce sa UHS ng topic tungkol sa Deep Web, Illuminati, Tomino's Hell, Meaning of Dreams, at iba pa. Kaya ang black and white na kulay ng watawat ng UHS ay ang kulay ng mga anonymous. Nangangahulugang ang UHS ay may mga anonymous members din.
6. And last but not the least, kung titingnan ninyong mabuti ang apat na bituin sa watawat, may mapapansin kayong isang 'shape'. Anong shape iyon? Kayo na ang bahalang manghula!
...
WELCOME TO UNIVERSITY OF HORROR STORIES
![]() |
| The Official Logo of UHS |
UNIVERSITY OF HORROR STORIES
Part 1: Introduction and Details About this Group
Ang University of Horror Stories (UHS) ay isang Facebook Horror Group na binubuo ng mga kuwento, nobela, trivia, videos, movies, short films, files, documents, at iba pang mga bagay na related sa Horror.
Sa loob ng dalawang taon mula nang mabuo ang UHS, ito ay nagkaroon ng apat na era.
1st Era: The Birth Era (March 2015 to October 2015)
Dito nagsimula ang UHS sa pagkakabuo. Dito rin unti-unting dumami ang mga members at ang mga writers. Sa kalagitnaan ng era na ito ay nagsimulang mag-post ng mga trivia ang ilang mga members na karamihan doon ay naging most talked-about topic sa history ng group kagaya ng Deep Web, Illuminati, Astral, Lucid Dream, Panaginip, Kulam, Gayuma, at marami pang iba. Kaya ito tinawag na Birth Era dahil dito nagsimula ang lahat.
2nd Era: The Light Era (October 2015 to March 2016)
Sa era na ito, dito nagsimula ang UHS sa paggawa ng mga palaro at patimpalak kagaya ng writing contest, fansign contest, photo contest, multi-games and activities, t-shirt printing, outreach program, book publishing, at marami pang iba. Bagama't ginagawa na rin nila ang ilan sa mga ito noong kalagitnaan pa lang ng 1st era ay mas naging priority nila ang pagpapalaro at pagbibigay ng load and cash prizes noong sumapit na ang 2nd era. Kaya ito tinawag na Light Era dahil ito ay napupuno ng mga palaro at papremyo.
3rd Era: The Dark Era (April 2016 to December 2016)
Ito ang era ng UHS kung saan sila ay nag-focus naman sa pagbabahagi ng mga nakakatakot na trivia, video clips, horror movies, horror files, at iba pang bagay na related sa usaping horror. Bagama't nagawa na nila ito noong 1st era, mas binigyan nila ng focus ang pagbabahagi ng horror facts, videos, and other horror stuffs sa era na ito dahil sa kadahilanang nais nilang imulat ang mga members sa mga misteryo at hiwagang bumabalot sa mundo. Bukod doon, sa era rin na ito nagsimulang magbahagi ang ilang mga members sa paggawa ng sarili nilang short film na nasa video collection ng group. Kaya ito tinawag na Dark Era dahil dito naging dark-serious ang UHS sa pagbigay ng mga horror stuff tungkol sa misteryong bumabalot sa iba't ibang panig ng mundo pati sa history.
4th Era: The Reborn Era (January 2017, Present)
Ang era na ito ang present era ngayon ng UHS. Sa era na ito, dito mas palalawakin ng UHS ang kanilang branch sa pamamagitan ng paggawa ng panibago at updated na branch ng UHS sa iba pang social media sites gaya ng YouTube Channel, Twitter, Wattpad, Blogger, Own Website, at Secret Files. Ibig sabihin, magpo-post din sila ng mga horror story, horror trivia at horror stuff sa iba pang social media sites nila para kahit saang social media sites magpunta ang mga members ay makikita pa rin nila ang UHS.
Part 2: Ten Commandments of UHS and Other Rules and Regulations
1. Huwag kang magpo-post o magco-comment ng kahit anong bagay na puwedeng pagmulan ng gulo.
2. Huwag kang basta-basta mag-post sa group ng mga story o trivia na hindi mo pag-aari para hindi ka mapagbintangang plagiarist. Kailangan lagyan mo ng credits kung saan mo ito nakuha para iwas plagiarism.
3. Huwag kang manlalait sa mga kuwentong nabasa mo. Kung mayroon kang nabasang kuwento na hindi pasok sa taste mo, mas makabubuting sabihin mo iyon sa maayos na paraan, 'yong hindi masasaktan ang writer.
4. Huwag kang magnanakaw ng mga kuwento rito na hindi mo pag-aari. Mas makabubuting magpaalam muna sa mga writers dito kung nais mong i-post sa ibang page o site ang stories nila at dapat naka-credits sila para iwas ulit sa plagiarism.
5. Huwag kang maging salbahe, bastos, at pala-away. Dahil dito sa group, tayo ay magkakapatid, magkakapuso, magkakabarkada, at magkakapamilya.
6. Huwag kang maging silent reader. Hangga't maaari sana ay mag-iwan ka ng comment, review o feedback sa mga kuwentong nabasa mo para maging sulit ang pagod ng mga writers sa paggawa ng story para sa inyong mga readers.
7. Huwag kang magpo-post ng mga hindi related sa genre at tema ng group gaya ng porn links, job networking, finding likers, finding chatmates, at selling products.
8. Huwag mo kalilimutan lagyan ng warning message o parental advisory ang iyong story kung ito ay naglalaman ng maseselang tema gaya ng sexual, bad words, drugs, anti-christ religions, at politics.
9. Huwag mo kalilimutan lagyan ng cover photo ang story mo para madali mahanap sa menu ng group.
10. Huwag mo kalilimutan i-include ang hashtag code policy at hashtag date policy ng UHS sa bawat story, trivia, o videos na pino-post mo para mas madaling hanapin kahit ito'y matabunan ng ibang posts.
The Three Policy of UHS
1. Writers Code Policy - Ito 'yong shortcut title ng story ninyo na may hashtag para madaling mahanap ng mga readers. Dapat palaging nasa unahan ng hashtag ang #UHS bago ang shortcut title ng story. #UHSHauntedHouse
2. Hashtag Date Policy - Ito 'yong pinagsamang Month at Year ng story na may hashtag para kapag ni-click iyon ng members, mas madali nila makikita 'yong mga story na naka-post sa month/year na iyon. Dapat palaging nasa unahan ng hashtag ang #UHS bago ang month at year ng story. #UHSJanuary2017
3. Reply Button Policy - Ito naman 'yong policy para sa mga readers kung saan dapat sa reply button nila ilalagay 'yong comment nila para hindi matambakan ng maraming comments 'yong bawat update/chapter ng story na nasa comment box.
Mga Puwedeng I-Post Sa Group:
1. Fictional Horror Stories and True to Life Experiences
2. Horror Trivia and Paranormal Activities
3. Dark, Creepy, Brutal and Gore Video Clips
4. Full Horror Movies and Short Films
5. Horror Files, Documents, and Other Scary Stuffs.
Mga Bawal I-Post Sa Group:
1. Porn, Virus, and Scam Links
2. Job Networking/Hiring
3. Finding Likers
4. Finding Chat mates
5. Selling Products
Part 3: Programs, Culture, and Tradition of UHS
1. UHS Monthly Trivia - Every month ay naglalabas kami ng mga nakakatakot at mind blowing trivia na kapupulutan ninyo ng bagong kaalaman.
2. UHS Movie Mega - Nag-a-upload at nagbabahagi rin kami ng mga full horror movies mapa-international man o galing sa Pinas.
3. UHS Shout Out Lobby - Every month ay naglalabas kami ng shout out post kung saan doon lang puwede i-comment ng mga members ang kanilang concerns, suggestions, problems, mga stories na hinahanap, at mga katanungan na nais mabigyan ng sagot.
4. UHS Writing Workshop - Mayroon din kaming mga files dito na naglalaman ng mga writing tips at writing advice para sa mga aspiring writers na gustong magkaroon ng published book someday at sa mga baguhang writer na nais ma-improve ang kanilang talento sa pagsulat. Ang ilan sa mga iyon ay galing sa ibang writing workshop group, ang iba naman ay galing sa research namin, at ang iba ay sariling tips mismo ng mga admins at writers natin.
5. The Hauntersian Script - Kung ang mga Tagalog ay may Alibata o Baybayin Script, at kung ang mga Kapampangan ay may Kulitan Script, ang mga Haunters ay mayroon na ring sarili nilang writing system at iyon ang Hauntersian Script, ang writing system ng mga haunters. (Nasa albums)
6. The Hauntersian Language - Bukod sa Hauntersian Script na writing system ng mga haunters, sila ay mayroon na ring sariling dialekto o lenguwahe, at iyon ang Hauntersian Language na kadalasang ginagamit nila sa mga announcement posts at greetings post. (Nasa files)
Part 4: The National Poem/Anthem of UHS
HAUNTERS NEVER STOP by Jherry Regidor Dominguez
H-orror group online na nangunguna sa buong bansa—
A-ng humigit tatlumpung libong miyembro'y patuloy pa sa pagdagsa!
U-maani ng samu't saring pagkilala't parangal;
N-atatanging grupo'y sa maayos na pamamahala'y sadyang bukal!
T-unay ngang mababasa mo rito'y sadyang iba-iba ang timpla:
E-lemento't multo, aswang, kapre't iba pang nilalang ay pinagsama-sama!
R-espeto ng matatalinong mambabasa ay pinapanatili,
S-apagkat sa manunulat, ang dulot nito'y kagalingan at sa ikabubuti.
N-agkakaroon dito ng libreng workshop na ang layunin ay tungo sa pagkakatuto
E-hemplo ito ng isang mabuting lider na ang nais ay magbahagi't makapagturo!
V-iva! Happy Anniversary, University of Horror Stories!
E-mblematiko ng kasiyahan, kagalingan, kaayusang walang kaparis—
R-umaragasa tulad ng tubig sa batis—patuloy lamang ito sa paghagibis!
S-ama-sama, magkapit-bisig tayo mga Haunters sa pag-usbong at paglago!
T-uloy lamang sa pagbabahagi ng kaalaman at kuwento, pakulo't palaro.
O-ras ay tumatakbo, halina't maglakbay, magsikhay...
P-atnubayan nawa tayo ng Poong Maykapal sa lalong ikatatagumpay!
This is the Updated Version of the Orientation of UHS as of 2017.
Never stop haunting...mysteries are everywhere!
UPDATED BRANCH OF UHS IN THE WORLD WIDE WEB
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/ratedstghorrorstories/
Facebook Page: https://www.facebook.com/uhspublishing/
Wattpad Account: https://www.wattpad.com/user/UHSHaunters
YouTube Channel: https://www.youtube.com/channel/UC7Tf2NKSgtNRaBUzluK00XQ
Twitter Account: https://twitter.com/UHS_Haunters
Official Website: http://djmorales3.wixsite.com/uhsofficial
Official Website: http://djmorales3.wixsite.com/uhsofficial
![]() |
| The Official Flag of UHS |
Biyernes, Setyembre 2, 2016
27 Facts About "Dark Web" Horror Novel
27 Facts about “Dark Web” Horror Novel:
1. Ang original title talaga ng nobelang ito ay “Hidden Web”. Pero nang matapos niya ang kabuuan ng novel, ginawa na lamang niyang “Dark Web” ang pamagat.
2. Kung napapansin ninyo, ang pangalan at apelyido ng tatlong bida ay parehong nagsisimula sa letter “H” at pareho ring nagsisimula sa letter “W”.
- (H)ara (W)ayne
- (H)arvey (W)alker
- (H)arold (W)onder
Dahil tulad ng nasa trivia #1, ang original title talaga nito ay “Hidden Web” at doon ibinase ni Daryl ang magiging first letter ng pangalan at apelyido ng mga bida. Pero nang palitan niya ang pamagat ng nasabing nobela, tinamad na siyang palitan ang pangalan ng mga characters.
3. Ito ang kauna-unahang horror novel ni Daryl na tungkol sa internet ang tema.
4. Noong January 2016 pa talaga niya naisip magsulat ng horror novel na tungkol sa internet ang tema. Pero noong June 2016 lamang siya nakabuo ng plot dahil maraming internet-theme na idea ang pumasok sa isip niya at sa sobrang dami ay hindi na niya alam kung ano ang dapat na simulan at piliin.
5. Dahil hindi niya natuloy ang pagsulat nito noong January 2016, naisipan na lamang niyang magpa-contest sa UHS group ng tungkol sa haunted website, social media, at internet ang tema. Nagbabalak kasi siya na pagkatapos ng contest na iyon, doon niya sisimulan ang istorya ng “Dark Web”. Subalit nang matapos ang nasabing contest, hindi na naman niya natuloy ang pagsulat dito dahil nang mabasa niya ang mga entry, merong ilan sa mga iyon ang may pagkakahawig sa iilang idea na naisip niya para sa plot ng Dark Web. Kung kaya inabot siya ng ilang buwan bago nakapagdesisyon kung itutuloy pa ba niya ang Dark Web o gagawa na lamang ng ibang plot.
6. Noong January 2016, ang kauna-unahang plot na pumasok sa isip ni Daryl ay iyong episode 1 sa nobelang ito, iyon ay ang “Death File” na episode ni Hara. Iyon din ang pinaka-unang naging pamagat ng nobelang ito bago pa niya maisip ang “Hidden Web” at “Dark Web”. Pero hindi niya naumpisahan ang Death File dahil meron na naman siyang naisip na bagong plot at iyon ang Haunted Online Games na episode ni Harvey. Nang subukan niyang i-focus ang sarili sa plot ng Haunted Online Games, bigla na namang may pumasok na panibagong idea sa isip niya at iyon mismo ang “Dead Chat” na episode naman ni Harold. Hanggang sa hindi na niya natuloy ang pagsulat sa novel na ito noong January dahil nawalan siya ng concentration sa dami ng mga plot na pumasok sa isip niya. At noong June 2016, doon pa lang niya naisipang pagsamahin sa iisang nobela ang tatlong plot na iyon na tumatak sa isip niya. Doon pa lamang tuluyang nabuo ang plot ng Dark Web.
7. Katunayan, hindi lang tatlong layer ang meron sa Dark Web. Sa totoo ay lima ang layer nito pero naisipan ni Daryl na hindi na isali ang dalawang layer para hindi na gaanong humaba masyado ang nobela. Nagbabalak siyang gawing ‘sequel’ ang missing layer ng Dark Web pero wala pa itong kumpirmasyon, at sinabi na rin niya na hihinto na siya sa pagsusulat pagkatapos ng Dark Web.
8. Ang nobelang ito ay isinulat niya during his meltdown noong June 2016.
9. Ang original color ng mga letters sa cover photo ng nobelang ito ay color green. Subalit nang matapos na ni Daryl ang kabuuan ng nobela, naisipan niyang palitan ang cover photo at tinanggal niya ang color green sa mga letters ng cover photo. Ginawa niya iyong black and white para mag-match sa tema ng nasabing nobela. Ang original black and green na cover photo nito ay makikita sa blogsite ng UHS Lost Files.
10. Sinimulan niyang isulat ito noong June 17 at natapos niya ito noong July 6. Sa kabuuan, natapos niya ang novel na ito sa loob ng 20 days. Ito ang pangalawang nobela na pinakamabilis niyang natapos. Ang una ay ang “The Haunted” noong 2015.
11. Ito ang first horror novel ni Daryl na unang ini-release sa UHS group, sapagkat ang mga horror novel niya noong nagdaang mga taon na “Mateo Leoron Teodoro” at “The Haunted” ay una talagang ini-release sa PHS Page. Iyon ang mga panahong wala pa ang UHS group. Mula kasi nang mabuo ang UHS group, puro mga short stories at short novels lang ang naisulat ni Daryl. Kaya ngayong taon, first time niyang magkakaroon ng full length novel kung saan sa UHS mismo naka-kontrata.
12. Apat talaga ang version ng cover photo ng Dark Web. Ang dalawa roon ay ang version na ginawa ng Jackson Family. At ang natitirang dalawang version ay ang mismong version na ginawa ni Daryl, iyon mismo ‘yong black and green and black and white na color ng cover.
13. Ito ang first horror novel ni Daryl na merong total of 11 teasers and trailers.
14. Nagpagawa si Daryl sa Jackson Family ng dalawang cover photo para sa Dark Web, at ang isa roon ay napili niya para sana maging official cover photo ng Dark Web at maging official book cover din sa Wattpad dahil hindi siya satisfied sa cover photo na ginawa niya mula sa sarili niyang kamay. Pero hindi iyon natuloy dahil nga sa sobrang dami ng idea na pumasok sa isip niya noon, hindi niya agad natuloy ang kuwento ng Dark Web. At nang maituloy na niya ito noong June 2016, naisipan niyang gawin na lamang official cover photo ng Dark Web iyong cover na ginawa niya. Ang cover naman na ginawa ng Jackson Family ay kanyang ginamit bilang promotional poster noong mag-announce siya.
15. Ito ang pangalawang horror novel ni Daryl na natapos agad ang airing. Ang una ay ang “The Haunted” noong 2015 na nagtagal lamang ng 11 days. Nagsimula ang Dark Web sa UHS noong July 25 at natapos ito noong August 12. Sa kabuuan, 12 days lamang ang itinagal ng Dark Web. (Hindi kasama iyong mga araw na hindi siya nag-update)
16. May mga readers na nagtaka dahil biglang naging “Aaron” ang pangalan ni Junjun sa kuwento noong malapit nang matapos ang Dark Web. At sa chapter 10 naman, aksidenteng nailagay niya sa lugar ng pagkamatay ng nanay ni Hara ay sa restaurant, sa halip na sa grocery store sa Saudi Arabia. Ang pagkakamaling iyon ay hindi nagkataon lamang. Meron talagang ‘dahilan’ kung bakit iyon ang nailagay ni Daryl, pero hindi na niya sinabi ang totoong dahilan.
17. May mga readers na nagreklamo noon na mula nang mabasa raw nila ang ilang mga chapters ng Dark Web ay hindi raw sila nakatulog hanggang madaling araw at bigla na lang daw silang namamalikmata sa paligid. Hindi na nagtaka si Daryl sa naging reaksyon ng mga readers na iyon. Dahil kahit siya, habang sinusulat niya ito noon ay nakaramdam din siya ng kaunting kilabot lalo na’t tuwing gabi niya sinusulat ang Dark Web noong nakaraang buwan. Minsan ay inaabot siya ng ala-una hanggang alas-dos ng hatinggabi para matapos ang isang kabanata.
18. Katunayan, ang isa sana sa mga twist ng Dark Web ay malalaman nina Hara, Harvey, at Harold na magkapatid pala silang tatlo at namatay ang tatay nila dahil sa Dark Web kaya sila nagkahiwa-hiwalay noong bata sila. Pero sa isang dahilan, hindi na niya isinali ang twist na iyon. Sa halip, iniba niya ang background ng mga bida at ang ginawa niyang ending ng kuwento ay pare-parehong hindi nakaligtas ang tatlong bida sa Dark Web.
19. Sa katunayan din, ang isa pang twist ng Dark Web ay kung saan nakaligtas si Hara sa nasusunog na headquarters ng mga anonymous. Paglabas niya, nagtaka siya kung bakit maraming tao sa labas. Nilapitan niya sina Harvey at Harold. Nagtataka siya kung bakit umiiyak ang dalawa. Nang tingnan niya ang iniiyakan ng mga ito, nagulat siya dahil nakita niya ang sarili niya na wala nang buhay at isinasakay na sa emergency. Doon niya nalaman na namatay na pala siya sa sunog sa loob at kaluluwa na lamang niya ang nakalabas sa headquarters na iyon. Pero sa isang dahilan, bigla na lang nawala sa isip ni Daryl ang twist na iyon kung kaya iba ang twist na nailagay niya sa ending. At noong maalala niya ang naunang twist na naisip niya, hindi na lamang niya inilagay dahil tinamad na siyang mag-edit at palitan ang ending kaya tuluyan na niyang ibinaon sa limot ang naunang mga twist na naisip niya para sa Dark Web.
20. Ang pangalang “Hara” sa episode 1 ay base sa nickname ng kaibigan niyang si Ara Marie Palmaria Bayhon, isang member ng UHS. Subalit masyadong mahaba ang pangalang “Ara Marie” kaya naisipan niyang gamitin na lamang ang nickname nito na “Hara”.
21. Ang overall plot ng nobelang Dark Web ay binubuo ng tatlong layer na naglalaman ng isang haunted website na may dalang kamalasan at kamatayan sa sinumang taong mag-browse doon. At kapag sinubukan nilang takasan ang kanilang kamatayan, pupuntahan sila ng mga anonymous na nagpapatakbo sa Dark Web upang patayin ang lahat ng mga bumisita sa nasabing website para panatilihing private ang Dark Web.
22. Katunayan, sa August 10 pa dapat ang airing ng Dark Web sa UHS. Pero noong magpost siya ng teaser nito noong July 13, umani ito ng maraming feedback at meron pang ilang reader na nagalit dahil ayaw daw nila maghintay ng matagal at gusto na nilang mabasa agad ang kuwento kaya napilitan siya na i-push ang Dark Web sa July 25 para hindi gaanong matagalan ang mga readers sa paghihintay.
23. Sa katunayan din, 30 dapat ang countdown teaser ng nobelang ito. Pero ginawa na lamang niyang 10 countdown teaser para hindi gaanong ma-spoil ang nilalaman ng kuwento at para hindi gaanong matagalan ang mga readers sa kahihintay.
24. Sa lahat ng mga bagong story sa UHS noong buwan ng July at August, ang Dark Web lamang ang kaisa-isang kuwento na hindi nilagay sa comment box ang continuation ng story. Hiwa-hiwalay ang bawat update ni Daryl dahil hindi raw siya komportable magdugtong ng story sa comment box.
25. Bukod sa 10 countdown teasers at 1 official trailer ng Dark Web, meron ding ginawa si Daryl na isang video trailer para dito. Pero for some reason, hindi na niya nai-post ang video trailer dahil nagmadali siyang mai-post agad ito.
26. Ang chapter 7 ng Dark Web ang pinakakinatakutan ng mga readers base sa mga comment at reaction nila. At ang chapter 6 naman ang pinakatinawanan. Pero ang episode ni Harold na “Dead Chat” ang pinakapaborito ng mga readers base rin sa comment at reaction nila.
SOURCE: UHS Lost Files
uhslostfiles666.blogspot.com
2013: Santo Demonyo (Wattpad)
2014: Mateo Leoron Teodoro (PHS Page)
2015: The Haunted (PHS Page)
2016: Dark Web (UHS Group)
Huwebes, Setyembre 1, 2016
Episode 13 (Original Cover Photo)
Alam nyo ba? Ito ang original cover photo ng horror novel ni Daryl Morales na pinamagatang "Episode 13" subalit hindi siya naging satisfied sa kinalabasan ng cover kaya nagpagawa na lamang siya sa Jackson Family.
The Lost Scenes on "Episode 13"
EPISODE 13 (The Lost Scenes)
Ang “Episode 13” ang pinakabagong
horror novel ni Daryl Morales sa UHS group na nakatakdang i-release sa
September 2016. Ang kuwentong ito ay pinagsamang dark and bloody na isa sa mga
pinakanakakatakot na nobelang nagawa ni Daryl.
Subalit may dapat kayong malaman
tungkol sa nobelang ito. Alam n’yo ba? Ang nobelang ito ay may halong sex
scenes noong una niyang isinulat ito. Na-inspired kasi siya sa mga Hollywood
horror movies na may halong sex scenes kagaya ng “Wrong Turn” at iba pa. Kaya
naman noong April, naisipan ni Daryl na gumawa ng isang horror story na may
halong sex scenes katulad ng mga nasa Hollywood horror films.
Subalit nang matapos niya ito at
nakatakda na sanang i-release sa UHS group, biglang nagbago ang isip niya kaya
tinanggal niya ang lahat ng sex scenes sa nobelang ito. Nag-alala siya na baka
hindi iyon magustuhan ng mga readers niya lalo na ng mga batang mambabasa.
Kaya naman naririto sa UHS Lost
Files ang lahat ng mga sex scenes sa horror novel na “Episode 13”. Handa ka
bang basahin? Heto na!!!
EPISODE 13: THE LOST SCENES
(Paalala: Nakamarka ang mga sex
scenes sa pamamagitan ng italicized text)
The Lost Scene 1 (Chapter 3)
“Kinakabahan ako, Steven. Mayaman
din si David. News anchor pa. Maaari siyang makapunta kahit saang bansa. Maaari
niya pa rin tayong matunton ‘pag nagkataon. Saka hindi ko siya basta-basta
puwedeng hiwalayan lalo na’t may anak kami. B-baka madamay pa ang anak namin
kung sakaling magkagulo.”
“Magtiwala ka lang sa ‘kin.
Ako’ng bahala…” makahulugang wika ni Steven at gumuhit ang maanghang na ngiti
sa kanyang mga labi.
Pumatong
si Steven kay Lucille. Tinanggal nila ang kumot sa kanilang katawan.
Nagsimulang halikan ni Steven ang babae. Gumanti naman ng halik ang babae.
Sinabayan niya iyon ng haplos sa ari ng lalaki.
Nang
tumayo na ang alaga ni Steven, itinapat niya iyon sa bulubunduking dibdib ng
babae saka niya iyon hinawakan ng taas-baba hanggang sa maglabas iyon ng katas.
Hinawakan
ni Lucille ang katas at dinilaan.
Tumayo
si Lucille at idinikit ang malalaki niyang dibdib sa mukha ni Steven. Dinilaan
naman iyon ng lalaki.
Habang
tumatagal ay lalong umiinit ang sensasyon na kanilang naramdaman.
Samantala, habang pinanonood ni
David ang airing ng programa niya ay hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung
tatayo ba siya, uupo, o hihiga. Paiba-iba siya ng puwesto. Para bang gusto
niyang makita na ang asawa niya. Bigla na lamang siyang kinutuban ngunit hindi
niya mawari kung ano ang nais iparating nito.
The Lost Scene 2 (Chapter 2)
“Parang
ayoko muna matulog, David.” Maingat na bumangon si Lucille sa kama upang hindi
magising ang bata. Hinubad niya ang damit at bra pagkatapos ay tumitig nang
makahulugan kay David.
Iniwasan
ng tingin ni David ang nang-aakit na suso ni Lucille.
“Ano
ka ba, Lucille! Isuot mo nga ‘yang damit mo! Baka magising pa ang bata!”
reklamo ni David habang nakasimangot.
Hindi
tumugon si Lucille. Dahan-dahan niyang nilapitan si David saka hinalik-halikan
ang leeg at hinaplos-haplos ang pisngi nito. Inawat siya ni David sa tahimik na
paraan.
“Please
lang, Lucille. Itigil mo na ‘yan!” pabulong na wika ni David.
Nang
gumalaw ang kanilang natutulog na anak, nataranta si Lucille. Agad niyang
isinuot ang bra at damit niya. Tumagilid ng pagkakahiga ang bata paharap sa
kanila. Mabuti na lamang at hindi nito nakita si Lucille kaninang nakahubad
ito.
The Lost Scene 3 (Chapter 9)
Pagkatapos ng dalawa mamili sa
grocery store ay unang lumabas si Steven at tiningnan kung naroroon pa ang
matanda. Nang makitang wala nang matandang babae na nakamasid sa kanila ay sinenyasan
niya si Lucille na lumabas na.
Nagmadali silang lumakad hanggang
sa maka-uwi sa isang apartment na tinutuluyan.
Hinubad ni Lucille ang lahat ng
disguise niya at napahinga nang malalim.
“Akala ko talaga katapusan ko na
kanina,” sabi pa niya.
“ANO
ba gusto mo gawin ko para makalimutan mo ang nangyari kanina?” wika ni Steven
kay Lucille. Nakahiga na sila sa kama.
Mayamaya,
pumatong si Lucille kay Steven. Alam na ng lalaki kung ano ang ibig sabihin
niyon kaya ginawa na niya.
Mayamaya
pa, makikitang umuuga na ang kama dahil sa tindi ng pagtatalik ng dalawa.
Nang
labasan na si Steven, agad na umalis sa pagkakapatong si Lucille at dinilaan
ang katas na natira sa ari ng lalaki.
Gumapang
si Lucille papunta sa dibdib ng lalaki saka niya ito muling hinalikan.
“Fuck
you, Steven! I really love you!” wika pa ni Lucille sa sobrang kaligayahan.
Nakalimutan na nga niya ang nangyari kanina.
The Lost Scene 4 (Chapter 10)
Pagbukas
ng donya sa pinto, laking gulat niya sa nakita: Sina Steven at Lucille,
parehong nakahubad. Magkadikit ang maselang bahagi ng katawan. Nagtatalik
habang nakahiga sa sofa!
Dahil
sa nakita, inatake ang donya.
Nataranta
sina Lucille at Steven. Bumangon sila at nagsoot agad ng damit.
“Nanay
ito ni David! A-anong gagawin natin?” Kinakabahan si Lucille.
“Tulungan
moko bilis!” utos ni Steven. Binuhat nila ang matanda at dinala sa bodega.
The Lost Scene 5 (Chapter 5)
Sinubukang
tawagan ni David si Lucille. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi
sinasagot ng babae. Ang hindi niya alam, busy si Lucille sa pakikipaglampungan
kay Steven sa kama. Ang cellphone ng babae ay nasa gilid lang ng kama kaya
hindi nito napapansin ang tawag.
Minsan
pang tinawagan ni David si Lucille. At sa di inaasahang pagkakataon, dahil sa
likot ni Lucille at Steven sa kama, nasipa ng babae ang cellphone at
aksidenteng napindot ang answer button!
Nangunot
ang noo ni David nang makarinig ng mga ungol sa cellphone. Pamilyar sa kanya
ang ungol na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon nga ang ungol ni
Lucille! May isa pang ungol siyang narinig. Ungol iyon ng lalaki. Tila
nagtatalik ang dalawa!
Nabagsak
ni David ang cellphone. Doon na naging maliwanag ang lahat sa kanya. May
kinakasama ngang iba ang asawa niya.
The Lost Scene 6 (Chapter 4)
Huminto ang kotse ni Steven sa
isang madilim na parking lot. Hindi na makapaghintay ang dalawa. Doon na sila
nagtalik sa loob ng sasakyan. Hinubad ni Lucille ang kanyang damit. Siya na rin
ang naghubad sa damit at sinturon ng lalaki. Agad niyang sinubo ang tumitigas
na ari ng lalaki. Nang labasan na ang lalaki, ito naman ang sumubo sa suso ni
Lucille.
Walang nakakakita sa ‘lagim’ na
ginagawa ng dalawa sa madilim na parking lot.
Nag-selfie pa sina Lucille kung
saan magkadikit ang labi nila ni Steven. At iyon ang ginawa niyang wallpaper ng
cellphone niya.
SOURCE: UHS LOST FILES
Sino'ng mag-aakala na ang isang dark and bloody horror novel ay may x-rated scenes pala noong una?
Tikbalang (Banned Story on UHS Group)
TIKBALANG
Ang kuwentong iyon ay tungkol sa isang tikbalang na nakikipagtalik sa isang babae. May mga bulgar scenes at bulgar words pa na naroroon kung kaya agad iyong binura ng mga admins.
Pero bago iyon mabura ng isa sa mga admin, naisalba ang original copy ng kuwentong iyon at naka-post iyon sa secret group na UHS Blocked Area.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)













