Huwebes, Setyembre 1, 2016

The Lost Scenes on "Episode 13"

EPISODE 13 (The Lost Scenes) 



Ang “Episode 13” ang pinakabagong horror novel ni Daryl Morales sa UHS group na nakatakdang i-release sa September 2016. Ang kuwentong ito ay pinagsamang dark and bloody na isa sa mga pinakanakakatakot na nobelang nagawa ni Daryl.

Subalit may dapat kayong malaman tungkol sa nobelang ito. Alam n’yo ba? Ang nobelang ito ay may halong sex scenes noong una niyang isinulat ito. Na-inspired kasi siya sa mga Hollywood horror movies na may halong sex scenes kagaya ng “Wrong Turn” at iba pa. Kaya naman noong April, naisipan ni Daryl na gumawa ng isang horror story na may halong sex scenes katulad ng mga nasa Hollywood horror films.
                                                          
Subalit nang matapos niya ito at nakatakda na sanang i-release sa UHS group, biglang nagbago ang isip niya kaya tinanggal niya ang lahat ng sex scenes sa nobelang ito. Nag-alala siya na baka hindi iyon magustuhan ng mga readers niya lalo na ng mga batang mambabasa.

Kaya naman naririto sa UHS Lost Files ang lahat ng mga sex scenes sa horror novel na “Episode 13”. Handa ka bang basahin? Heto na!!!

EPISODE 13: THE LOST SCENES
(Paalala: Nakamarka ang mga sex scenes sa pamamagitan ng italicized text)

The Lost Scene 1 (Chapter 3)

“Kinakabahan ako, Steven. Mayaman din si David. News anchor pa. Maaari siyang makapunta kahit saang bansa. Maaari niya pa rin tayong matunton ‘pag nagkataon. Saka hindi ko siya basta-basta puwedeng hiwalayan lalo na’t may anak kami. B-baka madamay pa ang anak namin kung sakaling magkagulo.”
“Magtiwala ka lang sa ‘kin. Ako’ng bahala…” makahulugang wika ni Steven at gumuhit ang maanghang na ngiti sa kanyang mga labi.
Pumatong si Steven kay Lucille. Tinanggal nila ang kumot sa kanilang katawan. Nagsimulang halikan ni Steven ang babae. Gumanti naman ng halik ang babae. Sinabayan niya iyon ng haplos sa ari ng lalaki.
Nang tumayo na ang alaga ni Steven, itinapat niya iyon sa bulubunduking dibdib ng babae saka niya iyon hinawakan ng taas-baba hanggang sa maglabas iyon ng katas.
Hinawakan ni Lucille ang katas at dinilaan.
Tumayo si Lucille at idinikit ang malalaki niyang dibdib sa mukha ni Steven. Dinilaan naman iyon ng lalaki.
Habang tumatagal ay lalong umiinit ang sensasyon na kanilang naramdaman.
Samantala, habang pinanonood ni David ang airing ng programa niya ay hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung tatayo ba siya, uupo, o hihiga. Paiba-iba siya ng puwesto. Para bang gusto niyang makita na ang asawa niya. Bigla na lamang siyang kinutuban ngunit hindi niya mawari kung ano ang nais iparating nito.

The Lost Scene 2 (Chapter 2)

“Parang ayoko muna matulog, David.” Maingat na bumangon si Lucille sa kama upang hindi magising ang bata. Hinubad niya ang damit at bra pagkatapos ay tumitig nang makahulugan kay David.
Iniwasan ng tingin ni David ang nang-aakit na suso ni Lucille.
“Ano ka ba, Lucille! Isuot mo nga ‘yang damit mo! Baka magising pa ang bata!” reklamo ni David habang nakasimangot.
Hindi tumugon si Lucille. Dahan-dahan niyang nilapitan si David saka hinalik-halikan ang leeg at hinaplos-haplos ang pisngi nito. Inawat siya ni David sa tahimik na paraan.
“Please lang, Lucille. Itigil mo na ‘yan!” pabulong na wika ni David.
Nang gumalaw ang kanilang natutulog na anak, nataranta si Lucille. Agad niyang isinuot ang bra at damit niya. Tumagilid ng pagkakahiga ang bata paharap sa kanila. Mabuti na lamang at hindi nito nakita si Lucille kaninang nakahubad ito.

The Lost Scene 3 (Chapter 9)

Pagkatapos ng dalawa mamili sa grocery store ay unang lumabas si Steven at tiningnan kung naroroon pa ang matanda. Nang makitang wala nang matandang babae na nakamasid sa kanila ay sinenyasan niya si Lucille na lumabas na.
Nagmadali silang lumakad hanggang sa maka-uwi sa isang apartment na tinutuluyan.
Hinubad ni Lucille ang lahat ng disguise niya at napahinga nang malalim.
“Akala ko talaga katapusan ko na kanina,” sabi pa niya.

“ANO ba gusto mo gawin ko para makalimutan mo ang nangyari kanina?” wika ni Steven kay Lucille. Nakahiga na sila sa kama.
Mayamaya, pumatong si Lucille kay Steven. Alam na ng lalaki kung ano ang ibig sabihin niyon kaya ginawa na niya.
Mayamaya pa, makikitang umuuga na ang kama dahil sa tindi ng pagtatalik ng dalawa.
Nang labasan na si Steven, agad na umalis sa pagkakapatong si Lucille at dinilaan ang katas na natira sa ari ng lalaki.
Gumapang si Lucille papunta sa dibdib ng lalaki saka niya ito muling hinalikan.
“Fuck you, Steven! I really love you!” wika pa ni Lucille sa sobrang kaligayahan. Nakalimutan na nga niya ang nangyari kanina.

The Lost Scene 4 (Chapter 10)

Pagbukas ng donya sa pinto, laking gulat niya sa nakita: Sina Steven at Lucille, parehong nakahubad. Magkadikit ang maselang bahagi ng katawan. Nagtatalik habang nakahiga sa sofa!
Dahil sa nakita, inatake ang donya.
Nataranta sina Lucille at Steven. Bumangon sila at nagsoot agad ng damit.
“Nanay ito ni David! A-anong gagawin natin?” Kinakabahan si Lucille.
“Tulungan moko bilis!” utos ni Steven. Binuhat nila ang matanda at dinala sa bodega.

The Lost Scene 5 (Chapter 5)

Sinubukang tawagan ni David si Lucille. Ilang beses niya itong tinawagan pero hindi sinasagot ng babae. Ang hindi niya alam, busy si Lucille sa pakikipaglampungan kay Steven sa kama. Ang cellphone ng babae ay nasa gilid lang ng kama kaya hindi nito napapansin ang tawag.
Minsan pang tinawagan ni David si Lucille. At sa di inaasahang pagkakataon, dahil sa likot ni Lucille at Steven sa kama, nasipa ng babae ang cellphone at aksidenteng napindot ang answer button!
Nangunot ang noo ni David nang makarinig ng mga ungol sa cellphone. Pamilyar sa kanya ang ungol na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon nga ang ungol ni Lucille! May isa pang ungol siyang narinig. Ungol iyon ng lalaki. Tila nagtatalik ang dalawa!

Nabagsak ni David ang cellphone. Doon na naging maliwanag ang lahat sa kanya. May kinakasama ngang iba ang asawa niya.

The Lost Scene 6 (Chapter 4)

Huminto ang kotse ni Steven sa isang madilim na parking lot. Hindi na makapaghintay ang dalawa. Doon na sila nagtalik sa loob ng sasakyan. Hinubad ni Lucille ang kanyang damit. Siya na rin ang naghubad sa damit at sinturon ng lalaki. Agad niyang sinubo ang tumitigas na ari ng lalaki. Nang labasan na ang lalaki, ito naman ang sumubo sa suso ni Lucille.
Walang nakakakita sa ‘lagim’ na ginagawa ng dalawa sa madilim na parking lot.

Nag-selfie pa sina Lucille kung saan magkadikit ang labi nila ni Steven. At iyon ang ginawa niyang wallpaper ng cellphone niya.

SOURCE: UHS LOST FILES
Sino'ng mag-aakala na ang isang dark and bloody horror novel ay may x-rated scenes pala noong una?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento