27 Facts about “Dark Web” Horror Novel:
1. Ang original title talaga ng nobelang ito ay “Hidden Web”. Pero nang matapos niya ang kabuuan ng novel, ginawa na lamang niyang “Dark Web” ang pamagat.
2. Kung napapansin ninyo, ang pangalan at apelyido ng tatlong bida ay parehong nagsisimula sa letter “H” at pareho ring nagsisimula sa letter “W”.
- (H)ara (W)ayne
- (H)arvey (W)alker
- (H)arold (W)onder
Dahil tulad ng nasa trivia #1, ang original title talaga nito ay “Hidden Web” at doon ibinase ni Daryl ang magiging first letter ng pangalan at apelyido ng mga bida. Pero nang palitan niya ang pamagat ng nasabing nobela, tinamad na siyang palitan ang pangalan ng mga characters.
3. Ito ang kauna-unahang horror novel ni Daryl na tungkol sa internet ang tema.
4. Noong January 2016 pa talaga niya naisip magsulat ng horror novel na tungkol sa internet ang tema. Pero noong June 2016 lamang siya nakabuo ng plot dahil maraming internet-theme na idea ang pumasok sa isip niya at sa sobrang dami ay hindi na niya alam kung ano ang dapat na simulan at piliin.
5. Dahil hindi niya natuloy ang pagsulat nito noong January 2016, naisipan na lamang niyang magpa-contest sa UHS group ng tungkol sa haunted website, social media, at internet ang tema. Nagbabalak kasi siya na pagkatapos ng contest na iyon, doon niya sisimulan ang istorya ng “Dark Web”. Subalit nang matapos ang nasabing contest, hindi na naman niya natuloy ang pagsulat dito dahil nang mabasa niya ang mga entry, merong ilan sa mga iyon ang may pagkakahawig sa iilang idea na naisip niya para sa plot ng Dark Web. Kung kaya inabot siya ng ilang buwan bago nakapagdesisyon kung itutuloy pa ba niya ang Dark Web o gagawa na lamang ng ibang plot.
6. Noong January 2016, ang kauna-unahang plot na pumasok sa isip ni Daryl ay iyong episode 1 sa nobelang ito, iyon ay ang “Death File” na episode ni Hara. Iyon din ang pinaka-unang naging pamagat ng nobelang ito bago pa niya maisip ang “Hidden Web” at “Dark Web”. Pero hindi niya naumpisahan ang Death File dahil meron na naman siyang naisip na bagong plot at iyon ang Haunted Online Games na episode ni Harvey. Nang subukan niyang i-focus ang sarili sa plot ng Haunted Online Games, bigla na namang may pumasok na panibagong idea sa isip niya at iyon mismo ang “Dead Chat” na episode naman ni Harold. Hanggang sa hindi na niya natuloy ang pagsulat sa novel na ito noong January dahil nawalan siya ng concentration sa dami ng mga plot na pumasok sa isip niya. At noong June 2016, doon pa lang niya naisipang pagsamahin sa iisang nobela ang tatlong plot na iyon na tumatak sa isip niya. Doon pa lamang tuluyang nabuo ang plot ng Dark Web.
7. Katunayan, hindi lang tatlong layer ang meron sa Dark Web. Sa totoo ay lima ang layer nito pero naisipan ni Daryl na hindi na isali ang dalawang layer para hindi na gaanong humaba masyado ang nobela. Nagbabalak siyang gawing ‘sequel’ ang missing layer ng Dark Web pero wala pa itong kumpirmasyon, at sinabi na rin niya na hihinto na siya sa pagsusulat pagkatapos ng Dark Web.
8. Ang nobelang ito ay isinulat niya during his meltdown noong June 2016.
9. Ang original color ng mga letters sa cover photo ng nobelang ito ay color green. Subalit nang matapos na ni Daryl ang kabuuan ng nobela, naisipan niyang palitan ang cover photo at tinanggal niya ang color green sa mga letters ng cover photo. Ginawa niya iyong black and white para mag-match sa tema ng nasabing nobela. Ang original black and green na cover photo nito ay makikita sa blogsite ng UHS Lost Files.
10. Sinimulan niyang isulat ito noong June 17 at natapos niya ito noong July 6. Sa kabuuan, natapos niya ang novel na ito sa loob ng 20 days. Ito ang pangalawang nobela na pinakamabilis niyang natapos. Ang una ay ang “The Haunted” noong 2015.
11. Ito ang first horror novel ni Daryl na unang ini-release sa UHS group, sapagkat ang mga horror novel niya noong nagdaang mga taon na “Mateo Leoron Teodoro” at “The Haunted” ay una talagang ini-release sa PHS Page. Iyon ang mga panahong wala pa ang UHS group. Mula kasi nang mabuo ang UHS group, puro mga short stories at short novels lang ang naisulat ni Daryl. Kaya ngayong taon, first time niyang magkakaroon ng full length novel kung saan sa UHS mismo naka-kontrata.
12. Apat talaga ang version ng cover photo ng Dark Web. Ang dalawa roon ay ang version na ginawa ng Jackson Family. At ang natitirang dalawang version ay ang mismong version na ginawa ni Daryl, iyon mismo ‘yong black and green and black and white na color ng cover.
13. Ito ang first horror novel ni Daryl na merong total of 11 teasers and trailers.
14. Nagpagawa si Daryl sa Jackson Family ng dalawang cover photo para sa Dark Web, at ang isa roon ay napili niya para sana maging official cover photo ng Dark Web at maging official book cover din sa Wattpad dahil hindi siya satisfied sa cover photo na ginawa niya mula sa sarili niyang kamay. Pero hindi iyon natuloy dahil nga sa sobrang dami ng idea na pumasok sa isip niya noon, hindi niya agad natuloy ang kuwento ng Dark Web. At nang maituloy na niya ito noong June 2016, naisipan niyang gawin na lamang official cover photo ng Dark Web iyong cover na ginawa niya. Ang cover naman na ginawa ng Jackson Family ay kanyang ginamit bilang promotional poster noong mag-announce siya.
15. Ito ang pangalawang horror novel ni Daryl na natapos agad ang airing. Ang una ay ang “The Haunted” noong 2015 na nagtagal lamang ng 11 days. Nagsimula ang Dark Web sa UHS noong July 25 at natapos ito noong August 12. Sa kabuuan, 12 days lamang ang itinagal ng Dark Web. (Hindi kasama iyong mga araw na hindi siya nag-update)
16. May mga readers na nagtaka dahil biglang naging “Aaron” ang pangalan ni Junjun sa kuwento noong malapit nang matapos ang Dark Web. At sa chapter 10 naman, aksidenteng nailagay niya sa lugar ng pagkamatay ng nanay ni Hara ay sa restaurant, sa halip na sa grocery store sa Saudi Arabia. Ang pagkakamaling iyon ay hindi nagkataon lamang. Meron talagang ‘dahilan’ kung bakit iyon ang nailagay ni Daryl, pero hindi na niya sinabi ang totoong dahilan.
17. May mga readers na nagreklamo noon na mula nang mabasa raw nila ang ilang mga chapters ng Dark Web ay hindi raw sila nakatulog hanggang madaling araw at bigla na lang daw silang namamalikmata sa paligid. Hindi na nagtaka si Daryl sa naging reaksyon ng mga readers na iyon. Dahil kahit siya, habang sinusulat niya ito noon ay nakaramdam din siya ng kaunting kilabot lalo na’t tuwing gabi niya sinusulat ang Dark Web noong nakaraang buwan. Minsan ay inaabot siya ng ala-una hanggang alas-dos ng hatinggabi para matapos ang isang kabanata.
18. Katunayan, ang isa sana sa mga twist ng Dark Web ay malalaman nina Hara, Harvey, at Harold na magkapatid pala silang tatlo at namatay ang tatay nila dahil sa Dark Web kaya sila nagkahiwa-hiwalay noong bata sila. Pero sa isang dahilan, hindi na niya isinali ang twist na iyon. Sa halip, iniba niya ang background ng mga bida at ang ginawa niyang ending ng kuwento ay pare-parehong hindi nakaligtas ang tatlong bida sa Dark Web.
19. Sa katunayan din, ang isa pang twist ng Dark Web ay kung saan nakaligtas si Hara sa nasusunog na headquarters ng mga anonymous. Paglabas niya, nagtaka siya kung bakit maraming tao sa labas. Nilapitan niya sina Harvey at Harold. Nagtataka siya kung bakit umiiyak ang dalawa. Nang tingnan niya ang iniiyakan ng mga ito, nagulat siya dahil nakita niya ang sarili niya na wala nang buhay at isinasakay na sa emergency. Doon niya nalaman na namatay na pala siya sa sunog sa loob at kaluluwa na lamang niya ang nakalabas sa headquarters na iyon. Pero sa isang dahilan, bigla na lang nawala sa isip ni Daryl ang twist na iyon kung kaya iba ang twist na nailagay niya sa ending. At noong maalala niya ang naunang twist na naisip niya, hindi na lamang niya inilagay dahil tinamad na siyang mag-edit at palitan ang ending kaya tuluyan na niyang ibinaon sa limot ang naunang mga twist na naisip niya para sa Dark Web.
20. Ang pangalang “Hara” sa episode 1 ay base sa nickname ng kaibigan niyang si Ara Marie Palmaria Bayhon, isang member ng UHS. Subalit masyadong mahaba ang pangalang “Ara Marie” kaya naisipan niyang gamitin na lamang ang nickname nito na “Hara”.
21. Ang overall plot ng nobelang Dark Web ay binubuo ng tatlong layer na naglalaman ng isang haunted website na may dalang kamalasan at kamatayan sa sinumang taong mag-browse doon. At kapag sinubukan nilang takasan ang kanilang kamatayan, pupuntahan sila ng mga anonymous na nagpapatakbo sa Dark Web upang patayin ang lahat ng mga bumisita sa nasabing website para panatilihing private ang Dark Web.
22. Katunayan, sa August 10 pa dapat ang airing ng Dark Web sa UHS. Pero noong magpost siya ng teaser nito noong July 13, umani ito ng maraming feedback at meron pang ilang reader na nagalit dahil ayaw daw nila maghintay ng matagal at gusto na nilang mabasa agad ang kuwento kaya napilitan siya na i-push ang Dark Web sa July 25 para hindi gaanong matagalan ang mga readers sa paghihintay.
23. Sa katunayan din, 30 dapat ang countdown teaser ng nobelang ito. Pero ginawa na lamang niyang 10 countdown teaser para hindi gaanong ma-spoil ang nilalaman ng kuwento at para hindi gaanong matagalan ang mga readers sa kahihintay.
24. Sa lahat ng mga bagong story sa UHS noong buwan ng July at August, ang Dark Web lamang ang kaisa-isang kuwento na hindi nilagay sa comment box ang continuation ng story. Hiwa-hiwalay ang bawat update ni Daryl dahil hindi raw siya komportable magdugtong ng story sa comment box.
25. Bukod sa 10 countdown teasers at 1 official trailer ng Dark Web, meron ding ginawa si Daryl na isang video trailer para dito. Pero for some reason, hindi na niya nai-post ang video trailer dahil nagmadali siyang mai-post agad ito.
26. Ang chapter 7 ng Dark Web ang pinakakinatakutan ng mga readers base sa mga comment at reaction nila. At ang chapter 6 naman ang pinakatinawanan. Pero ang episode ni Harold na “Dead Chat” ang pinakapaborito ng mga readers base rin sa comment at reaction nila.
SOURCE: UHS Lost Files
uhslostfiles666.blogspot.com
2013: Santo Demonyo (Wattpad)
2014: Mateo Leoron Teodoro (PHS Page)
2015: The Haunted (PHS Page)
2016: Dark Web (UHS Group)


