ALAM MO BA?
Ang Area E ng UHS na tinatawag na "Blocked Area" ay binubuo ng isang secret facebook group at website kung saan nakatambak ang lahat ng mga banned files, documents, stories, at iba pang mga bagay na may kinalaman sa UHS. Meron pang mga bagay na makikita roon na talagang nakakatakot at hindi kakayanin ng sinuman. Kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa secret group na iyon. Mga piling members lamang ang naroroon at sila lang din ang nakaka-alam kung ano ang makikita rito.
Makikita rin dito ang screen shot ng lahat ng mga fb users o dating member ng UHS na nagtaksil noon o gumawa ng hindi karapat-dapat sa group. Nandito rin ang lahat ng mga investigation files ng UHS tungkol sa mga dummy accounts na nanggugulo sa nasabing group pati sa ibang horror group.
Bukod doon, dito rin makikita ang isang banned story sa UHS na pinamagatang "Duterte: Change is Coming" na inilabas sa UHS noong Marso 2016 na isinulat ng isa sa mga members. Ang genre ng kuwentong iyon ay Horror ngunit hindi iyon nagustuhan ng mga member sa UHS dahil naglalaman iyon ng mga eksenang hindi katanggap-tanggap. Kaya naman agad iyong binura ng mga admins noon sa nasabing group. Pero ang original copy ng kuwentong iyon ay naisalba pa at makikita lamang iyon sa UHS Blocked Area.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento