(Ang litratong ito ang gamit na profile picture ni Rose Capilla sa dummy account niya)
Si Rose Capilla ang isa sa mga pinaka misteryosong dummy account na nanggugulo sa lahat ng mga horror groups ngayon. Madalas ay pinag-aaway niya ang magkakabilang panig ng mga grupo, isa na roon ang CSHS at IMKM noon. At kapag naman nais niyang magnakaw ng mga kuwento, sa UHS siya kumukuha at ipinopost niya sa timeline niya.
Halos lahat ng mga horror group ay nabahala rito sapagkat marami ang nagsasabi na may koneksyon daw ang FB user na ito sa lahat ng mga horror group.
May isang member na nagsabi na may hinala na raw siya kung sino ang nasa likod ng dummy account na ito. Marahil ay may kakampi raw ito na 'admin' sa ibang group, o baka isa raw itong writer dati na nalaos kung kaya nanggugulo sa mga group, o baka naman matagal na itong nagmamasid sa mga group at ngayon lang naisipan manggulo.
May ibang member din na nakapansin na sa lahat ng mga group na ginugulo niya, ang ilan sa mga admin at member sa IMKM ang madalas niyang awayin, Kaya naman hinala ng iba na baka isa raw ito sa mga member dati sa IMKM na nagkaroon ng kaaway sa mismong group kung kaya gumawa ito ng dummy account para guluhin ang nasabing group.
Pero hindi pa rin kumpirmado kung totoo ba ang hinala na iyon sapagkat marami pa siyang mga group, members, at admins na ginugulo.
Pero may isang member naman na nagbahagi na may isa raw admin sa ibang group ang nagsabi sa kanya na kilala daw niya kung sino talaga si Rose Capilla, at sinabi nito na kilalang-kilala rin daw siya ng halos lahat ng mga member sa lahat ng group. Pero nauwi rin sa wala iyon sapagkat nangibabaw pa rin sa lahat ang palaisipan kung sino ba talaga ang nagtatago sa dummy account na ito.
Sa ngayon, naglaho ang account ni Rose Capilla at hindi na makita. Pero marami pa rin ang naniniwalang baka may iba pa siyang dummy account na gamit para magmasid sa mga group na nais niyang guluhin.
Kaya mag-ingat sa dummy account na ito. Kapag nakita ninyo siyang muli, i-report agad ang account niya upang hindi na makapanggulo pa.
ROSE CAPILLA, sino ka nga ba talaga? Tunay nga ba ang mga haka-hakang may naka-away ka raw sa ibang mga admin sa ibang group dati kung kaya gumawa ka ng dummy account para guluhin at pag-awayin sila? Kung sino ka man, karma na ang bahala sa iyo dahil sa dami ng mga members at admins na naperwisyo mo sa panggugulo at pangka-copypaste mo ng kuwento...
#RIPRoseCapilla
#QueenOfDummyAccount

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento