Linggo, Agosto 28, 2016

The Mysterious Anonymous Account On UHS

Ang Illuminati ay isa sa mga pinaka pinag-usapang topic sa history ng UHS simula nang mabuo ito. Maraming mga members noon ang nagbahagi ng kanilang nalalaman tungkol dito. Marami rin ang na-curious dito.


Noong 2015, may isang anonymous member na napadpad sa UHS at nag-flood siya ng mga post tungkol sa illuminati. Sinabi niya sa post niya na Illuminati raw ang langit, Illuminati raw ang Algebra, Illuminati raw ang mga pagkain, mga magulang natin, at ang lahat ng mga bagay sa mundo.



Dahil sa mga post niyang iyon, maraming mga member ang nagalit at nagreklamo sa kanya. Marami rin ang na-curious kung sino ba ang nagtatago sa likod ng dummy account na iyon. Iyon din ang kauna-unahang beses na nagkaroon ng kaunting gulo sa UHS dahil sa mga post na iyon ng anonymous na iyon.



Sa kasalukuyan, akala ng marami ay wala na siya sa group. Pero kamakailan lang, umamin siya na 'siya' ang tunay na nagmamay-ari ng account na iyon at inamin din niya na siya ang nag-post ng lahat ng iyon noong nakaraang taon.



Hanggang ngayon ay member pa rin siya ng nasabing group at meron siyang isang isinulat na kuwento na ini-post niya last July 2016. Anonymous account pa rin ang gamit niya. At siya si...



ADRIAN ABAS BENEDICTO (The Mysterious Anonymous Account on UHS)



SOURCE: UHS LOST FILES



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento