Huwebes, Hunyo 9, 2016

Top 5 Banned Photos On UHS With Their Secrets

      Kilala rin ang UHS group bilang bagsakan ng mga creepy, dark, gore, and disturbing trivia, videos, files, documentaries, and etc kabilang na ang ilang mga disturbing pictures na kadalasang parte ng trivia o video na kanilang ibinabahagi o minsan naman ay ginagawang cover photo or poster ng ilang mga writers para sa kanilang mga isinulat na kuwento.

       Sa site na ito, ipapakita namin sa inyo ang top 5 banned photos sa UHS group. Mga litrato at larawan na nabura sa nasabing group o hindi ini-upload dahil naglalaman ito ng masyadong disturbing content na bukod sa hindi angkop sa mga taong hindi malawak ang kaisipan ay banned din sa policy ng Facebook.

      Here they are the top 5 most disturbing photos that were banned on UHS group.

Top 5: The Lost Logo of UHS




      Ang larawang nakikita n'yo rito ay ang magiging bagong logo sana ng UHS. Ito sana ang magiging third official logo nila pagkatapos nilang mag-celebrate ng kanilang first anniversary noong March 25, 2016. Subalit hindi satisfied si creator Daryl sa pag-design niya sa logo na ito kung kaya't sinubukan niyang magpagawa ng logo sa Facebook page na Jackson Family. Nagustuhan niya ang logo na ginawa ng JF; isang reaper na hinaluan ng moon at ang pangalan ng nasabing grupo ay naka-ukit sa hawak nitong karit. Iyon na lamang ang naisipan niyang i-upload sa UHS group at iyon na rin ang idineklara niya bilang third official logo ng UHS na inilabas noong April 9, 2016. Kaya naman ang logo na ito na naglalaman ng tatlong mukha ng nakakatakot na clown na may numerong 666 sa kanilang ulo ay maituturin na lamang na "lost logo of UHS". Hindi na ito naisipan pang ipakita ng creator sa publiko dahil masyadong dark at satanic ang dating ng logo at natakot siya na baka mapagkamalan pa silang 'satanista' dahil lamang sa disenyo ng logo na iyon.

Top 4: Zombie God Photo




      Ipinapakita ng larawang ito ang edited na litrato ng Panginoong Diyos kung saan ginawang 'zombie' ang kanyang mukha at ang heart symbol na nasa gitna ng larawan ay ginawang 'brain symbol'. Ito sana ang magiging official cover ng short horror story niya noong December 2015 na pinamagatang "Fake Christ" subalit naisipan niyang hindi na lang lagyan ng cover photo dahil sa takot na baka maraming members ang magalit sa kanya kapag nakita nila ang hindi katanggap-tanggap na larawang iyon ng Panginoon.

Top 3: Double Death Series: Poser Original Cover




      Ang issue sa topic na ito ay kaparehong-kapareho rin ng nasa top 2. Ito rin sana ang magiging official cover ng short novel ni creator Daryl Morales na pinamagatang "Poser" noong August 2015 subalit ito ay binura rin agad ng Facebook dahil labag daw ito sa policy nila at naglalaman daw ang cover ng masyadong nakakatakot na disenyo na hindi na katanggap-tanggap sa kanilang sistema. Muli ring na-close ang account dito ng creator nang sinubukan pa niya itong i-upload muli pero nabawi lang niya kaagad ang kanyang account. Ang ginawa niya, inalis niya ang nakalagay na main title sa itaas at itinira na lamang ang episode title at binago ng kaunti ang color ng cover upang tanggapin ito ng Facebook.

Top 2: Lihim ng Pagkatao Original Cover




      Sa larawang ito ay makikita ang isang nakakatakot na mukha ng babae na may hawak na kutsilyo. Ang orihinal na version ng larawan na iyon ay ang official poster ng eight studio album ng American recording artist na si Britney Spears. Ngunit sa larawang ito, makikita na edited ang kanyang mukha at ginawang katatakutan. Ang larawang ito sana ang magiging official cover ng short horror story dati ni creator Daryl Morales na pinamagatang "Lihim ng Pagkatao" noong September 2015. Subalit nang i-upload niya ito sa group ay bigla itong nabura sa loob lamang ng limang minuto. Nabura rin ang naturang cover pati sa ibang page at group na pinag-post-an niya nito. Muntik pang i-close ng Facebook ang account ng creator nang subukan niya itong i-upload nang paulit-ulit. Doon niya nakumpira na banned ang cover na iyon sa policy ng Facebook.

Top 1: God is Dead




      Ang larawan na makikita n'yo ay ipinapakitang putol ang duguang katawan ni Hesus at ang nakaupo sa gitna ng upuan ay si Satanas kasama ang iba pang mga alagad. Ipinapakita sa kathang-isip na larawang ito na pinagpiyestahan nilang kainin ang katawan ng Panginoong Diyos, isang bagay na hindi kanais-nais sa mata ng mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito ini-upload sa main branch ng UHS (Facebook Group).


SOURCE: UHS LOST FILE (BLOG SITE)

1 komento:

  1. Please join to our official Facebook group!
    https://www.facebook.com/groups/ratedstghorrorstories/

    TumugonBurahin