Kilala rin
ang UHS group bilang bagsakan ng mga creepy, dark, gore, and disturbing trivia,
videos, files, documentaries, and etc kabilang na ang ilang mga disturbing
pictures na kadalasang parte ng trivia o video na kanilang ibinabahagi o minsan
naman ay ginagawang cover photo or poster ng ilang mga writers para sa kanilang
mga isinulat na kuwento.
Sa site na
ito, ipapakita namin sa inyo ang top 5 banned photos sa UHS group. Mga litrato
at larawan na nabura sa nasabing group o hindi ini-upload dahil naglalaman ito
ng masyadong disturbing content na bukod sa hindi angkop sa mga taong hindi
malawak ang kaisipan ay banned din sa policy ng Facebook.
Here they are
the top 5 most disturbing photos that were banned on UHS group.
Top 5: The
Lost Logo of UHS
Ang larawang
nakikita n'yo rito ay ang magiging bagong logo sana ng UHS. Ito sana ang
magiging third official logo nila pagkatapos nilang mag-celebrate ng kanilang
first anniversary noong March 25, 2016. Subalit hindi satisfied si creator
Daryl sa pag-design niya sa logo na ito kung kaya't sinubukan niyang magpagawa
ng logo sa Facebook page na Jackson Family. Nagustuhan niya ang logo na ginawa
ng JF; isang reaper na hinaluan ng moon at ang pangalan ng nasabing grupo ay naka-ukit
sa hawak nitong karit. Iyon na lamang ang naisipan niyang i-upload sa UHS group
at iyon na rin ang idineklara niya bilang third official logo ng UHS na
inilabas noong April 9, 2016. Kaya naman ang logo na ito na naglalaman ng
tatlong mukha ng nakakatakot na clown na may numerong 666 sa kanilang ulo ay
maituturin na lamang na "lost logo of UHS". Hindi na ito naisipan
pang ipakita ng creator sa publiko dahil masyadong dark at satanic ang dating
ng logo at natakot siya na baka mapagkamalan pa silang 'satanista' dahil lamang
sa disenyo ng logo na iyon.
Top 4:
Zombie God Photo
Ipinapakita
ng larawang ito ang edited na litrato ng Panginoong Diyos kung saan ginawang
'zombie' ang kanyang mukha at ang heart symbol na nasa gitna ng larawan ay
ginawang 'brain symbol'. Ito sana ang magiging official cover ng short horror
story niya noong December 2015 na pinamagatang "Fake Christ" subalit
naisipan niyang hindi na lang lagyan ng cover photo dahil sa takot na baka
maraming members ang magalit sa kanya kapag nakita nila ang hindi
katanggap-tanggap na larawang iyon ng Panginoon.
Top 3:
Double Death Series: Poser Original Cover
Ang issue sa
topic na ito ay kaparehong-kapareho rin ng nasa top 2. Ito rin sana ang
magiging official cover ng short novel ni creator Daryl Morales na pinamagatang
"Poser" noong August 2015 subalit ito ay binura rin agad ng Facebook
dahil labag daw ito sa policy nila at naglalaman daw ang cover ng masyadong
nakakatakot na disenyo na hindi na katanggap-tanggap sa kanilang sistema. Muli
ring na-close ang account dito ng creator nang sinubukan pa niya itong i-upload
muli pero nabawi lang niya kaagad ang kanyang account. Ang ginawa niya, inalis
niya ang nakalagay na main title sa itaas at itinira na lamang ang episode
title at binago ng kaunti ang color ng cover upang tanggapin ito ng Facebook.
Top 2: Lihim
ng Pagkatao Original Cover
Sa larawang
ito ay makikita ang isang nakakatakot na mukha ng babae na may hawak na
kutsilyo. Ang orihinal na version ng larawan na iyon ay ang official poster ng
eight studio album ng American recording artist na si Britney Spears. Ngunit sa
larawang ito, makikita na edited ang kanyang mukha at ginawang katatakutan. Ang
larawang ito sana ang magiging official cover ng short horror story dati ni
creator Daryl Morales na pinamagatang "Lihim ng Pagkatao" noong
September 2015. Subalit nang i-upload niya ito sa group ay bigla itong nabura
sa loob lamang ng limang minuto. Nabura rin ang naturang cover pati sa ibang
page at group na pinag-post-an niya nito. Muntik pang i-close ng Facebook ang
account ng creator nang subukan niya itong i-upload nang paulit-ulit. Doon niya
nakumpira na banned ang cover na iyon sa policy ng Facebook.
Top 1: God
is Dead
Ang larawan
na makikita n'yo ay ipinapakitang putol ang duguang katawan ni Hesus at ang
nakaupo sa gitna ng upuan ay si Satanas kasama ang iba pang mga alagad.
Ipinapakita sa kathang-isip na larawang ito na pinagpiyestahan nilang kainin
ang katawan ng Panginoong Diyos, isang bagay na hindi kanais-nais sa mata ng
mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito ini-upload sa main branch ng UHS
(Facebook Group).
SOURCE: UHS
LOST FILE (BLOG SITE)




Please join to our official Facebook group!
TumugonBurahinhttps://www.facebook.com/groups/ratedstghorrorstories/